SAVINGS ● Hindi na kailangang magsunog ng kilay ang Kongreso upang malaman kung ano ang kahulugan ng savings. Sa dictionary matatagpuan na ang kahulugan nito. Sa totoo lang, hindi naman mahirap maunawaan ang kahulugan ng savings, maliban kung binigyang kahulugan ito upang lumapat sa layunin ni Budget Secretary Florencio Abad. ni hindi na kailangan ni Sen. Alan Peter Cayetano na magtanong sa Supreme Court kung ano ang kahulugan ng savings.
ISRAEL AT HAMAS ● Sa bangayan ng Israel at Hamas, isang grupo na kilala sa pagpapahirap sa mga Israelita sa Holy Land, ay nangangailangan ng mas malalim na pag-unawa. Ang pagsisikap ng Israel na mabuhay ay nangangailangan pandaigdigang suporta. Ang Israel ang tanging demokratikong bansa sa Middle East. Simula sa pagsilang nito noong 1948, pinananatili ng Pilipinas ang relasyon nito sa Israel. Matapos manalasa ng bagyong Yolanda, nanguna ang israel sa pagdamay sa ating mga kababayan. Kamakailan lang, ang magiliw na si Israeli Ambassador Menashe Bar-On ay nagpatawag ng isang press conference at ipinahayag ang pagdaraos ang International Conference on Homeland Security sa Tel-Aviv sa nob. 9-12. Kailangang dumalo rito ang ating mga leader sa larangan ng seguridad.
TAGUMPAY NG BOY SCOUTS ● Sinabi ni ginoong Ireneo C. Aquino, chairman ng 2014 national Fund Campaign of the Boy Scouts of the Philippines (BSP) na ang tagumpay ng kanilang kampanya ay bunsod ng liderato ni Vice President Jejomar C. Binay, BSP national president. Si VP Binay, ang walang kapagurang leader ng scouting, ay malugod sa umaasa na mas maraming kabataang Pilipino ang malilinang bilang mabubuting mamamayan tulong ng BSP.
EXPORT UMARANGKADA ● naungusan ng Pilipinas ang ibang bansa sa larangan ng kita sa export noong Hunyo 2014. Ang pagtaas na 21.3% export gain, ayon sa kay NEDA director general Arsenio Balisacan, ay ang pinakamataas sa Southeast Asia. Nahigitan ng bansa ang Vietnam na nagtala ng 12.7% noong Hunyo; Malaysia, 5.6%; Singapore, 4.7%; Thailand, 3.9%; at Indonesia, 3.8%, China na nasa 7.2%; Hong Kong, 2.7%; South Korea, 2.5%; at Taiwan, 1.2%. Sana lang ang kinita ng export natin ay tunay na pakikinabangan ng ating mga kababayan.