Naniniwala si Hall of Fame trainer Freddie Roach na magaan na laban para kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang pagdedepensa ng kanyang WBO welterweight title sa Amerikanong si Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa Macau, China.

Sa panayam ni Joe Habeeb ng The Boxing Voice, iginiit ni Roach na kahit epektibo ang jabs ni Algieri, kaya nanatiling walang talo sa boksing, ay iba ang mangyayari kapag ang Pinoy boxer na ang nakasagupa ng kasalukuyang WBO light welterweight titlist.

“No it should be no problem for Pacquiao. It’s like night and day. He’s way above him,” pahayag ni Roach. “We’ll knock him out somewhere along the way.”

Iginiit ng six-time Trainer of the Year na wala siyang ideya kung bakit pinili ni Top Rank big boss Bob Arum si Algieri bilang kalaban ni Pacquiao.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“You have to ask Bob (Bob Arum) I have no idea why he picked that guy,” paliwanag ni Roach. “He told me that he beat Ruslan (Provodnikov), and he’s a good fight for Manny and that was it.”

Ayon kay Roach, anim na linggo niyang sasanayin si Pacquiao sa Pilipinas at isang linggo sa Macau bago ang laban.

“We’ll have camp in the Philippines. In the Philippines we’re in the same time zone, so we won’t have to acclimate,” giit ni Roach.”Training camp will be six weeks and we’ll spend the last week in Macau.”

Umaasa rin siya na magiging agresibo si Pacquiao sa ikalawang laban sa Macau na tulad nang talunin nito si ex-WBA lightweight titlist Brandon Rios.

“Well I hope so because he kicked the shit out of Rios. The problem with Rios is, he is a punching bag. It was a great win and we’ll see. Manny is coming down to a catch weight of 144 and he might be a little bit of a better punch at the lighter weight,” dagdag ni Roach. “It doesn’t matter. It is what it is, and we’re just going to get ready to fight him.”