Saklaw ng bagong ordinansa ang mga pulis at military sa bagong ordinansa hinggil sa riding-in-tandem na ipatutupad sa Mandaluyong City, inihayag ni Mayor Benhur Abalos.

Sa isang press conference, sinabi ni Abalos na magiging epektibo ang ordinansa 15 araw matapos ito mailathala sa mga pangunahing pahayagan ang City Ordinance 938, saan tinayang tatama sa Agosto 30.

Aniya, anim na buwang ipapatupad ang naturang ordinansa para mabatid kung mabisa ito laban sa krimen na kinasasangkutan ng mga riding-in-tandem.

Sinabi ni Abalos na pinapayagan at hindi kailangang parahin at hanapan ng papeles ang magkaangkas na babae, saka babae at bata.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“Tanging parehong lalaki ang paparahin at hahanapan ng ID,”wika ni Abalos. “Ngunit hanggang first degree ang blood relation ng mga ito,” diin pa nito at binanggit na mag-ama o mag-asawa kung babae ang driver at lalaki ang angkas.

Base sa ordinansa, may multang P1,000 sa unang paglabag, P2,000 sa ikalawa, at P3,000 sa ikatlo at maari itong makulong ng tatlong buwan o pareho depende sa korte.

“Alam natin na marami ang umaangal habang nagsasalita ako.

Pero, humihingi kami ng pag unawa dahil eksperimento lamang ito - na maari naming alisin o amiyendahan kapag hindi naging epektibo kontra riding-in-tandem crimes,” pahayag pa Abalos.

Aniya, napakalaking concern ang tumataas na bilang ng krimen na gawa ng magkaangkas sa motorsiklo.