Sugatan ang 84 na estudyante ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Daraga, Albay, nang mahulog mula sa inuupuang silya habang idinadaos ang kanilang acquaintance ball.

Ayon kay Kevin Llona, presidente ng Student Council Organization, nagarkila sila ng 400 plastic na upuan mula sa isang tindahan sa Daraga para gamitin sa nasabing okasyon.

Habang nasa kalagitnaan ng kasiyahan ay isa-isang lumagapak sa semento ang mga estudyante nang masira ang inuupuang silya.

Nang siyasatin ang mga upuan, nadiskubreng depektibo at substandard ang mga ito.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon