Dalawang Pilipino at anim na Indonesian ang inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa ilegal na pagpupuslit ng sigarilyo mula Indonesia sakay ng isang bangka sa Sarangani Bay vessel sa Malapatan, Sarangani.

Kinilala ang dalawang Pinoy na sina Eduardo Crisostomo, 53, ng Uhaw, Bgy. Fatima, at Elmer Pasculado, 27, ng Bgy. Tambler sa lungsod. Ang anim na dayuhang suspek naman ay kinilalang sina Frankie Salimlisang, at Dalan Carlos, kapwa 46; Edward Calindisang, 21; Junior Bordeman, 22; Richard Siryang, 33; at Harsono Odingan, 36, pawang residente ng Tahuna, Indonesia.

Ayon kay Coast Guard Station-GenSan Chief Petty Officer Noli Caspillo, na dinakip ang mga suspek matapos silang maispatan ng PCG sa five-nautical miles sa karagatan ng Sapu Masla, Malapatan, Sarangani, sakay sa barkong Marco-3.

Nakumpiska mula sa mga dinakip ang 27 kahon ng Garam na sigarilyo mula Indonesia.
National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko