Minungkuhi ni Cebu City Vice Mayor Edgardo Labella noong Miyerkules na isailalim sa Witness Protection Program (WPP) ang isang 14-anyos na babae na nahulihan ng P5 milyon shabu sa isinagawang raid ng ng pulisya sa Balaga Drive, Bgy. Labangon, Cebu City.

Ayon kay Labella, plano nilang gawing saksi ang menor de edad upang matukoy kung sino ang nasa likod ng sindikato.

Unang ipinahayag ni Cebu City Councilor Gerry Carillo na hindi dapat ikulong ang bata bagkus ay dapat itong isailalim sa rehabilitation upang mabigyan ng pagkakataon na maayos ang kanyang buhay.

Dapat habulin ng mga otoridad ay ang mismong magulang ng menor de edad at ang nasa likod ng iligal na gawain nito. Nanatili sa kustodiya ng mga otoridad ang dalagita.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Matatandang sinalakay ng Cebu Provincial Police Office noong Sabado at nadakip ang suspek na bibit ang P5.9 milyong halaga ng shabu.