Isulan, Sultan Kudarat– Matapos ang matagumpay na pagtatag ng mga rescue group sa mga bayan ng Lambayong, Isulan, Esperanza, Bagumbayan at Lungsod ng Tacurong sa Sultan Kudarat, pinalawak pa ng gobernador ng Sultan Kudarat pagsasanay nito sa iba pang bayan sa lalawigan.

Sa panayam kay Ms. Joy Hallegado, pangulo ng Sultan Kudarat Rescue Groups, sinabi niya na sa kasalukuyan ay abala ang grupo kasama ang mga eksperto sa larangang pagliligtas sa pagsasanay sa mga binubuong rescue group sa mga bulubunduking bayan ng Lebak at Kalamansig.

Ang mga bayan ng Kalamansig at Lebak ay kabilang sa mga land-slide at flashflood-prone area sa lalawigan na pinalala ng pagkakalbo ng mga kagubatan. - Leo P. Diaz

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget