Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)

12 p.m. Letran vs Perpetual (jrs/srs)

Makabawi sa kanilang natamong kabiguan sa kamay ng defending champion San Beda College (SBC) at umangat sa pagtatapos ng first round ang tatangkain ng University of Perpetual Help sa kanilang pagharap ngayon sa Letran College (LC) sa pagpapatuloy ng NCAA Season 90 basketball tournament sa FiLOil Flying V Arena sa San Juan City.

Bunga ng nasabing kabiguan, bumaba ang Altas sa barahang 4-3 (panalo-talo) kung saan kasalo nila ang College of St. Benilde (CSB) at season host Jose Rizal University (JRU) na may laro kahapon habang sinusulat ang balitang ito kontra sa Emilio Aguinaldo College (EAC).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sisikapin ng tropa ni coach Aric del Rosario na burahin ang masaklap na karanasan na kanilang dinanas sa kamay ng Red Lions kung saan ay nakahabol sila at dumikit mla sa 12 puntos na pagkakaiwan sa third period bago nabigong agawin ang tagumpay sa kalaban makaraang magmintis ang kanilang huling ball possession.

“Babawi kami next game,” halos nag-iisang pahayag ng key players ng Altas na pinangungunahan ni team captain Harold Arboleda, ang kanilang team at siya ring league leading scorer na si Jong Baloria at Scottie Thompson.

Sa kabilang dako, galing din sa kabiguan sa kamay ng Arellano University (AU) sa nakaraan nilang laban, maghahabol ding bumangon at makabalik sa winning track ang LC Knights na magtatangka namang makaahon mula sa kinalalagyan sa team standings na taglay ang barahang 2-5, kasalo ang Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals na may agwat lamang na mahigit isang laro sa kulelat na Mapua (1-6).

Una rito, tatangkain naman ng Letran Squires na makasalo sa liderato ng juniors na kasalukuyang hawak ng JRU Light Bombers (6-1)sa pagsagupa nila sa tailender Altalettes sa ganap na alas-12:00 ng tanghali.