Dalawang mambabatas ang nagsusulong na lumikha ang pamahalaan ng isang sentro na itutuon ang pansin at pag-aaral para sa development ng tinatawag na “small ruminants industry” upang mahikayat ang mga magsasaka na mag-alaga ng mga hayop upang mapalaki ang kanilang kita.

Sinabi ni Rep. Estrellita “Ging” B. Suansing (1st District, Nueva Ecija) na ang pag-aalaga ng mga gumagalang hayop gaya ng kambing at tupa ay makatutulong sa pag-angat sa kabuhayan ng mga magsasaka at ng mga residente sa kanayunan.

Kasama si Rep. Magnolia Rosa Antonino-Nadres (4th District, Nueva Ecija), naghain ang dalawa ng House Bill 4607 na naglalayong magtatatag ng Philippine Small Ruminants Center with National Center na naka-base sa Central Luzon State University na may satellite centers sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang Philippine Small Ruminant Center ay pagkakalooban ng inisyal na pondong P20 million ng Department of Budget and Management mula sa unexpended balance ng National Treasury at isasama sa General Appropriations Act.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente