Tony Boy & Gretchen

MAAARING ang Cinemalaya X na ang huling taon ng nasabing independent film festival na ito. Ito ang ibinalita sa amin ng mga nakausap naming indie producers at directors. Sabi nila, bumitaw na raw kasi at tinigilan na ng negosyanteng si Tony Boy Cojuangco ang pagkakaloob ng “cash subsidy” sa mga kasaling pelikula.

Pero hindi naman daw nila masisisi ang live-in partner ni Gretchen Barretto. Katwiran nila, maaaring bumitaw si Mr. Tony Boy Cojuangco dahil sa hindi magandang pagpapatakbo ng kung sinumang may hawak ng marketing ng Cinemalaya.

Nagkulang daw ang marketing, sabi ng mga kausap namin. Sa laki ng puhunan sa paggawa ng indie movies ay hirap na hirap na sila. Kaya sana raw ay may maayos na marketing, o hawakan ang Cinemalaya ng taong may malaking kaalaman sa pagbebenta ng pelikula.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Umaasa ang isang direktor na nakausap namin na sana ay may dumating na isa pang kagaya ni Mr. Tony Boy Cojuangco, na nakahandang mag-finance ng Cinemalaya filmfest sa susunod na taon.

Pero ayon na rin sa isa naming reliable source, hamak na mas marami ang tumangkilik sa Cinemalaya noong nakaraang taon kumpara sa Cinemalaya X na isinasagawa ngayon.

Komento pa ng nakausap naming direktor, anuman ang mangyari sa Cinemalaya ay tanggap na niyang hindi talaga tinangkilik sa bansa natin ang indie movies. Kahit humakot pa ang mga ito ng maraming karangalan sa labas ng bansa, wala pa ring paki ang mga Pinoy.