Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na maaapektuhan ng pagpapasara sa isang bahagi ng Magallanes Interchange na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Sa kanyang advisory, sinabi ng MMDA na ang mga behikulo mula Manila patungong Cubao ay maaaring dumaan sa service road, lumiko sa Magallanes Village, at tumagos sa Magallanes ramp via EDSA.
Ang mga sasakyang mula Roxas, EDSA-Taft Avenue ay papayagang kumaliwa mula Agosto 9 (Sabado) hanggang Agosto 17 (Linggo).
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), dalawang lane ng southbound Magallanes Flyover sa South Super Highway mula Manila patungong Alabang ang isasara sa trapiko hanggang sa Agostyo 17 kaugnay sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng Magallanes Interchange rehabilitation project.
Ang lahat ng motoristang patungong South Luzon Expressway (SLEX) at Alabang ay pinapayuhang dumaan sa Osmeña Highway- Magallanes Service Road.
Pinapayagan ng MMDA ang DPWH na ikumpuni ang elevated highway mula 11 p.m. hanggang 5 a.m. sa weekdays at 24 oras tuwing linggo. - Anna Liza Villas-Alavaren