Anim katao na ang iniulat na namatay sa sagupaan ng dalawang angkan sa Sumisip, Basilan.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction Council (NDRRC), dahil sa patuloy na sagupaan ay lumikas na ang may 1,050 pamilya mula sa 5,250 sa barangay Lower Cabengbeng sa takot na madamay.

Iniulat ni Cabengbeng Barangay Chairman Nasser Langis Asikin na sumiklab ang matinding bakbakan ng pamilya ni Jabbar Sandiki at Abubakar Palaman noong Miyerkules na nagresulta sa pagkamatay ng anim katao at hindi pa makumpirma ang bilang ng mga nasugatan.

Ang mga nagsilikas ng mga sibilyan ay pansamantalang tumuloy sa mga barangay ng Upper Cabling, Sapa Bulak at Barangay Etub-Etub sa kabilang munisipyo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang naturang insidente ay kasunod lamang ng engkuwentro naman ng magkakalabang pamilya sa Barangay Languyan, Mohammad Adjul, ng lalawigan.

Naglaban ang grupo nina Tanad Nasalun at Assalan Asala dahilan kaya lumikas ang may 288 pamilya dahil sa pagkawasak ng 10 bahay.

Sa report ng Office of Civil Defense Autonomous Region in Muslim Mindanao (OCD-ARMM), umaabot sa 100 armadong kalalakihan na pinangunahan ni Tanad Nasalun ang dumating sa naturang barangay para harapin ang angkan ni Assan Asala na armado rin.

Nasa heightened alert ngayon ang PNP at militar sa maaaring pagsiklab muli ng engkuwentro ng dalawang magkakagalit na angkan.