Iza Calzado

OVERWHELMED si Iza Calzado sa solo presscon na ipinatawag ng Regal Entertainment noong Huwebes ng gabi para sa pelikulang Somebody To Love na idinirek ni Joey Reyes dahil isinabay din ang birthday celebration niya courtesy of Mother Lily Monteverde.

 Abut-abot ang pasasalamat ni Iza kay Mother Lily at sa mga imbitadong entertainment press dahil iyon lang daw ang birthday celebration niya (sa Agosto 12 ang kanyang eksaktong kaarawan). Wala siyang party sa rami ng kanyang trabaho lalo na’t hand to mouth na ang taping nila para sa Hawak Kamay.

Babaeng walang pahinga man ang drama ng buhay ngayon ni Iza, hindi siya makapagreklamo dahil matagal din naman daw siyang pa-easy-easy lang habang naghihintay ng projects.

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

May nagtanong kay Iza tungkol sa billing niya sa Somebody To Love, na mas nauna ang pangalan ni Carla Abellana gayong limang taon pa lang daw ito sa showbiz, pero balewala lang pala ito sa kanya.

“Kasi nu’ng i-offer sa amin ‘to, klarung-klaro naman sa amin that Carla is an exclusive contract star of Regal Films, therefore, she deserves top billing. Kumbaga, Regal will produce a film for her. And ako, tinanggap ko talaga siya dahil, unang-una, kay Direk Joey. Ikalawa, natuwa ako sa character kasi I’ve never done anything like that.

“And to be fair naman po, binigyan ako ng magandang film ng Regal Films. I think Noel (Ferrer) requested na ‘nilagay ‘and Iza Calzado,’ na napakasaya ko naman doon. Wala naman po akong reklamo. Siguro kung may reklamo ako, eh, di wala ako dito ngayon.”

Naitanong din kay Iza ang hindi niya pagkakatuloy sa pelikulang Bonifacio kasama si Robin Padilla na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival ngayong December.

Ang hindi magkatugmang schedules ang rason ni Iza dahil paspasan na nga ang taping ng Hawak Kamay at ginagawa rin niya ang pelikulang Maria Leonora Teresa para sa Star Cinema.

“Nahihiya naman ako na baka ang maging problema pa nila sa pelikula nila na ‘yun ay ako, at hindi pa si Andres Bonifacio na si Robin Padilla. So, we just said that we’re very grateful for the opportunity that they presented to us. Pero mas disrespectful po siguro kung bigla na lang ako hindi dumarating sa set dahil hindi ko na kinakaya or hindi ako papayagan.

“Itong Bonifacio po ay may definite playdate na, December 25, hindi po ako hihintayin niyan. Nakakahiya naman po kung hindi ko magagampanan ang responsibilidad ko bilang artista,” sabi niya.