LJ Reyes at Dennis Trillo

UMAANI ng paghanga ang ilang GMA Network talents sa Cinemalaya X dahil sa kanilang ipinakitang kahusayan sa kani-kanilang pelikula.

Pawang positive reviews ang natatanggap ni Dennis Trillo sa kanyang pagiging brusko sa The Janitor. Kapani-paniwala at hindi pilit ang pagganap niya sa kanyang role bilang dating pulis na may mahalagang tungkulin.

“I have never seen Dennis Trillo so moving and so effective in a role before; probably his best work yet. ... Dennis Trillo never plays for sympathy. He is unapologetic in his portrayal and it makes his Crisanto so believable,” sabi ng writer na si Wanggo Gallaga na pinuri rin ang ipinakitang lalim sa pagganap ni LJ Reyes sa naturang pelikula.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

"What's wonderful about LJ Reyes is that she is never corny or one-dimensional,” sabi ng anak ng batikang direktor na si Peque Gallaga.

Pinupuri rin ng mga kritiko ang kahusayan ni Rocco Nacino bilang tusong abogado sa Hustisya at pinatunayan na kaya niyang makipagsabayan sa superstar na si Nora Aunor.

Markado ang pagganap ni Elmo Magalona sa coming-of-age film na #Y.Mapangahas si Elmo sa una niyang pelikula sa Cinemalaya. "It’s as if Elmo waited for this film to give all his best emotionally,” wika ng isang blogger (misterplummy.blogspot.com). Umani rin ng papuri ang pagganap ni Chynna Ortaleza sa #Y. “I’ve never seen her that good in any film or TV show she’s in,” sabi pa sa blog.

Na-impress din ang talent manager at direktor na si Manny Valera kina Elmo at Chynna. “#Y is the best movie so far of Elmo in his career. His acting is a revelation to all, with a moving performance in a phone call to counselor Chynna Ortaleza (she is good, too),” aniya.

Nagiging paborito naman ng ilang film enthusiasts ang batang si Miggs Cuaderno na anila'y lumitaw ang kahusayan sa pagganap sa Children’s Showbilang street fighter. Ayon sa online magazine na Brun Philippines: “His acting resume should be the envy of any young teen actor. Is Miggs Cuaderno our youngest method actor or is he just such an instinctive actor?”

Nagpakita ng flexibility si Miggs sa pagganap naman bilang batang may autism sa Asintado. "Miggs Cuaderno is also a good catch in the film. No lines, but with his mentally challenged role, he is very effective,” saad ng isang blogger (mymovieworld-coolman0304.blogspot.com). “Hanep ang breakdown scene ni Miggs sa bandang dulo ng pelikula, na kahit nagwawala ito ay hindi bumitaw sa karakter niya na special child. Maraming pala¬lamunin ng alikabok ang 9-anyos na Kapuso child actor sa husay niya sa kahit na anong role na ibigay sa kanya,” sabi naman ng isang veteran entertainment columnist.

Usap-usapan din ng film buffs ang performance ni Martin del Rosario sa Dagitab at naaliw sa 1st ko si 3rd kina Ken Chan at Coleen Borgonia.

“Newcomers Ken Chan and Coleen Borgonia were delightful as the young Third and Cory. They are attractive and charming together. They do not exactly resemble Freddie and Nova, but we can let that go because of their winsome smiles and effective chemistry. Hope to see more of these two promising actors in future films,” sabi sa isang blog (said-fred.blogspot.com).