Tumitindi ang kampanya laban sa pork barrel system sa Cebu City matapos ilunsad ng ilang grupo ang isang massive signature campaign ng mga Cebuano.

Target ng mga anti-pork crusader na makakalap ng 5.4 milyong lagda na katumbas ng 10 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa bansa na kailangan upang maipasa at maratipikahan ang Pork Barrel Abolition Bill.

“Ang isyu dito ay hindi lamang makakalap ng 10 porsiyento tulad na nakasaad sa batas, subalit upang makita na kapag naaprubahan ng Comelec (Commission on Elections) ang People’s Initiative, ito ay aprubado rin ng buong bansa sa pamamagitan ng majority vote sa national referendum,” ayon sa ipinaskil sa CBCP News ni Msgr. Romulo Kintanar ng Archdiocese of Cebu at convenor ng anti-corruption group. - Raymund F. Antonio

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho