Ni REMY UMEREZ

ISA sa mga aktor na may malaking malasakit sa indie films si Cong. Alfred Vargas. Una siyang lumabas sa Colorum (kasama si Lou Veloso) na sinundan ng Busong.

Sa pangatlong pagkakataon, si Alfred na mismo ang nagprodyus ng Supremo na nagpanalo sa kanya ng best actor awards sa pagganap niya bilang Andres Bonifacio.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Balik indie si Alfred sa Separados bilang aktor at co-producer, ito ang kanilang entry sa idinadaos na Cinemalaya X. Istorya ito ng mga paghihiwalay ng mag-asawa mula sa pananaw ng kalalakihan. Sina Victor Neri, Ricky Davao, Anjo Yllana, Jason Abalos, Erik Santos at Alfred Vargas ang mga pangunahing artista sa Separados.

“Nagustuhan ko ang salaysay dahil mula ito sa huband’s point of view kung bakit hindi nagtagumpay ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Madalas kasi ay ang panig ng kababaihan ang isinasalarawan. Asawa ko si Diana Zubiri na isang relihiyosang umibig at pumatol sa isang pari. Hinalaw daw ito sa tunay na pangyayari,” kuwento ni Alfred.

Ang pelikulang ito ay iniaalay ni Alfred sa kanyang yumaong ina na laging ipinagmamalaki ang kanyang pagiging aktor noong nabubuhay pa ito.