Idinaraos tuwing Agosto ang Family Planning Month upang palawakin ang kaalaman hinggil sa kahalagahan ng pagtamo ng mas maginhawang pamumuhay para buong pamilya. Pinangungunahan ng Department of Health (DOH) at ng Commission on Population (Popcom) ang mga pagsisikap na palawakin ang kaalaman ng taumbayan lalo na sa mga maralitang komunidad, nang makaabot sila sa resources na may kaugnayan sa pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya. Ang mga aktibidad ay nakatuon sa pagtataguyod ng natural family planning sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga pambansang ahensiya ng gobyerno, mga non-goverment organization, mga pamahalaang lokal, mga paparalan at iba pang sektor upang maiwas ang mga ina at bata sa pagkakasakit dahil sa madalas na pagbubuntis at panganganak.

Programa ng Popcom ay ang Responsible Parenthood and Natural Family Planning na kabilang ang Reproductive Health, Adolescent Health and Youth Development, at Population Development Integration, na nagkakaloob ng impormasyon at oriyentasyon sa mga mag-asawang Pilipino hinggil sa iba’t ibang pamamaraan ng family planning. Nakikipag-agapayan ang Popcom sa Department of Education sa pagsusulong sa mga magulang ang Learning Package for Parent Education na nagtuturo sa mga ito kung paano tumugon sa mga problema ng adolescence.

Umabot na sa isang 100 milyon ang populasyon ng Pilipinas noong Hulyo 17, 2014, at nasa ika-12 puwesto ang bansa sa may pinakamaraming mamamayan sa buong mundo. Pinapayuhan ang mga pamilyang Pilipino na pag-isipan ang family planning ang maging responsable sa kanilang pinipili. Ang pagkakaroon ng anak ay pinagpapasyahan at hindi basta nagkataon lang. Kailangang handa ang mag-asawa sa salapi at emosyon bago magkaroon ng anak. Kailangang pagpasyan nila ang takdang panahon at agwat upang matiyak na lumalaki ang bata sa isang malusog na kapaligiran.

Ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act ay naging batas noong 2012, na nag-aatas sa mga government health center na magdulot ng reproductive health education, maternal health care and family planning at planned parenthood initiatives upang matiyak na ang bawat batang Pilipino ay may maliwanag na kinabukasan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ayon sa ulat ng United Nations Population Fund (UNFPA) mataas ang antas ng hindi planadong pagbubuntis sa Pilipinas, na nagreresulta sa paglisan ng kabataang babae sa mga paaralan, at humaharap sa panganib ng komplikasyon. Ang mga babaeng kapos sa kaalaman at pamamaraan upang magpasya kung ilan ang kanilang magiging anak ay madalas na nakakulong sa isang siklo ng kahirapan, kaapihan, mahinang kalusugan, at maaaring mamatay sa panganganak o malumpo, ayon pa sa ulat na nagpapaalala sa daigdig na ang family planning ay isang karapatan na nagbubukas ng pinto ng iba pang karapatan at oportunidad, at dahil isang karapatan ito, dapat itong maabot ng lahat, hindi lamang ng mayayaman o ng mga may pribilehiyo.