Inilunsad ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang isang website para sa nakatakdang pagbisita ng Papa sa bansa sa Enero.
Ang website na PapalVisit.ph ay kinatatampukan ng countdown clock, updates at mga statements hinggil sa pagbisita sa ilalim ng temang “Mercy and Compassion.”
Makikita rin sa website ang National Prayer for the Papal Visit at ang video ng official theme song ng papal visit na “We are All God’s Children” at ang link nito sa Facebook at Twitter accounts.
Si Pope Francis ay nakatakdang bumisita sa bansa sa Enero 15 - 19, 2015.