MARAMING nagtetext na televiewers sa amin tungkol sa mabagal na pacing ng istorya ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Bitin na bitin daw sila sa mga nangyayari at sa mga mangyayari pa sa teleseryeng inaabangan nila gabi-gabi.
Hindi na namin babanggitin kung sinu-sino ang mga artista na nagsabing, “Reggs, ano nangyayari, bakit parang ang bagal ng pacing ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon? Laging bitin. Pinasasabik ang viewers, saka paulit-ulit ‘yung trailer, halatang ini-stretch, laging commercial break.”
Sabi namin, baka pinuputul-putol sa rami ng commercial load na kailangang pagbigyan.
“Eh, nagsasa-suffer naman ang quality ng palabas. Bibitawan ‘yan ng manonood,” katwiran sa amin.
May punto rin naman ang mga kausap namin, kaya nagtanong kami sa taga-Dreamscape Entertainment tungkol sa feedback sa serye nina Bea Alonzo, Maricar Reyes, Paulo Avelino, Albert Martinez at Ms. Susan Roces.
“Ako rin, Reggs, I feel the same way, pero ginagawan na ng paraan ng creative at production. Thanks!” pag-amin ng kinontak namin.
In fairness, ‘yan naman ang maganda sa Dreamscape Entertainment, tinatanggap nila ang lahat ng mga komentong naririnig nila at importante ito para lalo nilang mapaganda ang projects nila.
Samantala, mukhang effective ang effort ni Bea bilang si Rose/Emmanuel na pawang magaganda ang mga damit dahil isa rin pala ito sa mga inaabangan ng female viewers.
Nakakatawa nga, Bossing DMB kasi habang nasa food court kami Gateway noong Miyerkules ng hapon habang hinihintay ang screening ng Once A Princess, may narinig kaming mga empleyadong kumakain na ang sabi, “Ang ganda ni Bea talaga, ‘no? Ang galing pa magdala ng damit. Ano kaya suot niya mamaya?“ na sinang-ayunan naman ng mga kasama.”