Siyam na karera na kapapalooban ng Class Division, 3-Year-Old Maiden C at Handicap race ang nakatakdang bitawan ngayon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa race 1, panimula ng Winner Take All (WTA), anim na mananakbo ang maglalaban na pangungunahan ng Tito Arru, Apo Express at Zenyales.

Binibigyan naman ng magandang laban sa race 2 sa paghataw ng 3YO Maiden C ang King Haus laban sa Binirayan. Dito naman magsisimula ang Pick 6.

Sa pagpapatuloy ng WTA sa race 3, sisimulan sa Class Division 2, minamataan ang Yes Pogi laban sa Damong Ligaw.

Umaatikabong arangkadahan naman ang magaganap sa race 4 sa pagitan ng Prelude at Yellow Cat.

National

US military assets, ‘di aalisin sa Pinas para sa giyera sa Middle East—AFP

Pamumunuan naman ng Supreme Leader at Tang’s Dynasty ang Pick 5 sa race 5, habang napipisil ang Salvatore at Danzcotic sa Pick 4 sa race 6.

Sa race 7, target natin para sa paratingan ang Kidney’s Magic, Jazz Bestvibration at Gobernagor sa WTA at Coterminous naman para sa race 8.

Maaring tumutok sa Expecto Patronum sa Race 9 subalit posible namang makipagsabayan ang Mighty Zeus, Toe the Mark at Escopeta upang makadehado sa 2nd Winner Take All.