Kinukunsidera si dating UFC middleweight champion Anderson Silva bilang greatest mixed martial artist of all time.

Siya ang tinaguriang Michael Jordan ng MMA, o maaari ring si Michael Jordan ng basketball.

Sa kanyang huling laban noong UFC 168, nagtamo si Silva ng isang nakapanlulumong leg injury na kahalintulad ng nangyari kay Paul George sa isang U.S. national team scrimmage game. Edad 38 nang mangyari iyon, walang kasiguraduhan ang kinabukasan ni Silva pagdating sa paglaban. Sa kanyang recovery at rehabilitasyon, ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya ang magretiro.

“It never went through my mind to retire,” sambit ni Silva sa isang media conference call kamakailan. “I’m just dying to return to the Octagon and the thing that I most love in my life.”

Eleksyon

Makabayan senatorial bet Lidasan, ‘di nakaboto; wala pangalan niya sa listahan

Ang fighting style ni Silva ay nakaangkla sa kanyang agility, bilis at striking accuracy. Ang kanyang galing sa pagsipa ay malaking bahagi ng kanyang opensa. Kung makababalik siya sa top form o hindi ay hindi pa masasabi, ngunit iginiit niyang magiging handa siya at tila walang nangyari sa kanyang pagharap kay Nick Diaz sa Super Bowl weekend sa Las Vegas.

“There’s been a lot of physical therapy. Right now it’s about 95-percent and improving. For the Diaz fight, it will be 100-percent,” lahad ng dating title holder sa MMAWeekly.com.

Bagamat nagpapakita ng pagkakampante si Silva, may natitira pa rin itong agam-agam.

“There are no limitations. I’m not kicking as hard as I usually do, but I’m waiting to kick hard until the day of the fight.” - Yahoo Sports