Inilunsad ng Department of Education (DepEd) at Yellow Boat of Hope Foundation at Bikes for the Philippines ang Pedals and Paddles Project, na magbibigay ng mga bangka at bisikleta sa mga mag-aaral para makapasok sa paaralan.
“We want to let every student know that we have not forgotten them and that they are not alone,” pahayag ni Education Secretary, Br. Armin A. Luistro FSC.
“Gusto naming walang batang maiiwan,” pahayag naman ni Mr. Manny So, board member ng Yellow Boat of Hope Foundation.
“Ang pamimigay natin ng bisikleta ay para masiguro na makapunta sa paaralan ang mga bata at makapagtapos ang pag-aaral,” pahayag naman ni Mr. Joel F. Uichico, founder ng Bike for the Philippines. Aniya, magiging graduation gift nila ito sa mga benepisaryo.