Ni MINA NAVARRO
Inihayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga ulat mula sa iba’t ibang Philippine Overseas Labor Offices (POLO) na walang kaso ng overseas Filipino worker (OFWs) na nakakalat sa mga bansang apektado ng viral respiratory illness o MERS-CoV ang nahahawaan.
“The report of the POLOs, consolidated by the International Labor Affairs Bureau, covers the period April to June 2014. It says no OFW deployed overseas has been afflicted with the viral respiratory illness, MERS-CoV,” pahayag ni Baldoz, ayon sa ulat ni ILAB’s Director Saul De Vries.
Ayon sa ulat ni De Vries, ang 33 POLOs sa buong mundo ay nakapagtala ng kabuuang 26,621 OFWs na bumalik sa bansa mula April-June 2014. Sa kabuuang bilang, walang naiulat na kaso ng sinumang OFW ang nagkaroon ng naturang sakit.
“It is a relief to know that there are no more MERS-COV-related cases among our OFWs,” pahayag ng kalihim.
Una ng naiulat na nitong mga naunang buwan ng taon, may OFW mula sa Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia at isa mula sa Abu Dhabi, United Arab Emirates ay namatay matapos mahawaan ng naturang sakit.
Dahil dito, gumawa ng hakbang ang mga pamahalaan upang maprotektahan ang mga manggagawa at nagsagawa ng araw araw na pagsubaybay ang mga POLOs at pinagsumite ng mga impormasyon sa mga pauwing OFWs.
“I recall that upon President Aquino’s instructions, the DOLE worked with the Department of Health and the Bureau of Immigration to trace OFW passengers of Etihad Flight 0424 which arrived in Manila from Abu Dhabi reported to have an OFW-passenger afflicted with the virus. Through inter-agency collaboration, 404 of the 414 passengers were located and tested. Everyone showed no trace of the deadly virus,” anang Baldoz.
Ito rin aniya ang ginagawang hakbang kaugnay sa kinatatakutang Ebola virus, na kumitil na ng mahigit 800 katao sa Guinea, Liberia, at Sierra Leone sa West Africa.