Arestado ang isang mister matapos mapatay sa hataw ng dos por dos ang kanyang misis habang sila ay nag-aaway sa Nueva Vizcaya.
Galit na galit ang mga kaanak ng biktimang si Grand Joy Garal, tubong Laoag City, dahil sa masaklap na sinapit nito sa sariling asawa.
Sa imbestigasyon ng Nueva Vizcaya PNP, hinampas at pinukpok ng dos por dos sa iba’t ibang parte ng katawan ng suspek ang biktima habang sila ay nagtatalo sa loob ng kanilang bahay noong Biyernes. Nabale ang mga buto at nabugbog ang katawan ng biktima na kagaad nitong ikinamaay.
Dinala na sa Laoag City ang bangkay ng biktima habang inihahanda ang kasong parricide laban sa suspek na hindi pinabatid ang pangalan.