Agaw-buhay ang isang fish porter nang gulpihin ito at pagsasaksakin ng negosyante na nakasagutan ng una sa loob ng consignacion market sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center si Rey Reyes, 30, binata, residente ng Estrella Street, Barangay Tanong ng nasabing lungsod sanhi ng mga saksak sa dibdib.

Nahuli naman ang suspek na si Jose Al Almudiel, 32, naninirahan sa Palmario Street, Barangay Tonsuya, Malabon City at nahaharap sa mga kasong frustrated homicide at illegal possession of deadly weapon.

Narekober sa suspek ng mga pulis ang 13 pulgadang ice pick na ginamit nito sa krimen.

Sa ulat ni SPO1 Jerry Dela Torre ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon Police, 10:45 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng consignacion market sa Estrella Street, Barangay Tanong.

Probinsya

Bangkay ng lalaking nakaposas, narekober sa poso negro sa Davao City!

Sinabi ng ilan saksi, sinita umano ng suspek ang biktima na huwag galawin ang mga isda nito na nakalagay sa banyera hanggang sa mauwi ito sa mainitang diskusyon.

Ginulpi ni Almudiel si Reyes at pagkatapos n ay sinaksak ng ice pick.

Kahit sugatan, nagawa namang makatakbo ni Reyes at makapagsumbong sa Police Community Precinct (PCP) 6 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. - Orly L. Barcala