Ni Raymund F. Antonio
Inaasahang makadaragdag sa pagbibigat ng trapik sa maraming lugar sa Metro Manila ang pagsasara ng southbound lane ng Magallanes Interchange sa Makati City ngayong Biyernes hanggang Agosto 17 upang bigyang daan ang rehabilitasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang pagsasara ng istraktura ay sisimulan matapos makakuha ang DPWH ng clearance mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa isasagawang rehabilitasyon.
“(Repair)works on Magallanes Interchange will begin (at) 10 p.m. this Friday for the repair and strengthening of structural component of the flyover including asphalting activities to improve road pavement surface,” ayon sa media advisory ng DPWH.
Kapag naisara na, inabisuhan ng DPWH at MMDA ang mga motorist na daraan ng South Luzon Expressway (SLEx) patungong Alabang na dumaan ng Osmena Highway-Magallanes Service Road.
Isasailalim sa rehabilitasyon ang 39- anyos na Magallanes Interchange matapos madiskubre ang mga structural engineer ng mga lamat at depekto sa istraktura.
“We need to rehabilitate the Magallanes Interchange to restore its integrity. The defect is at the third level. Some of the concrete pavement are already broken, the expansion joints are already damaged,” ayon kay DPWH National Capital Region (NCR) Director Reynaldo Tagudando.
Aniya, maglalagay ng carbon fiber, reinforcement polymer fiber at asphalt overlay sa interchange bilang bahagi ng repair work. Naglaan ang ahensiya ng P140 milyon para sa rehabilitasyon ng Magallanes Interchange na inaasahang makukumpleto sa Pebrero 2015.
Napagalaman na sumailalim na sa retrofitting ang instraktura na itinayo noong dekada 1970.