HINDI kaya nababahala si Vice President Jejomar Binay sa namumuong tandem nina Sens. Grace Poe at Chiz Escudero sa 2016 presidential elections? Maaaring alinman sa Poe-Escudero o Escudero-Poe. Malakas ang hatak ni Poe sa mga botante dahil bukod sa talino nito, ama niya si Fernando Poe Jr. (FPJ) na pinaniniwalaang nanalo noon laban kay ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo kung hindi lang daw kay “Hello Garci.” Si Escudero naman ay may panghikayat sa masang Pilipino at sa manonood dahil sa magandang nobya na si Heart Evangelista.

Pakiramdam ni VP Binay ay panalo na siya sa halalan sa 2016 kung si DILG Sec. Mar Roxas ang kanyang makatutunggali. Pero, ang maging Pangulo ng bansa ay isang “destiny”. Nangyari ito kina ex-Pres. Carlos P. Garcia na noon ay vice president, nang pumanaw si Pres. Ramon Magsaysay sa pagbagsak ng kanyang eroplano sa Cebu. Ganito rin ang nangyari kay Tita Cory na isang ordinaryong maybahay. Pinaslang si ex-Sen. Ninoy Aquino noong 1983, mahigpit na karibal sa pulitika ni ex-Pres. Ferdinand E. Marcos, na naging simula ng pagkagalit at pagaalsa ng taumbayan laban sa diktador na napatalsik noong 1986. Naluklok sa Malacañang si Tita Cory.

Patuloy sa pag-apela ang Malacañang sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Libya na magsiuwi dahil sa giyera doon. Tinatayang may 13,000 OFW ang nasa Libya, at 3,000 sa mga ito ay doktor at nurse.

Mahikayat kaya ni Energy Secretary Jericho Petilla ang “matigas ang ulong” Pangulong Noynoy na magdeklara ng state of emergency sa enerhiya upang matugunan ang lumalalang power shortage sa 2015, kabilang ang Luzon, na ang mga lider sa mundo ay darating sa bansa para sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit?

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Suriin nating mabuti: Ang Iglesia ni Cristo (INC) ay nagdiwang ng ika-100 taong pagkakatatag nito ng nakaraang buwan. Ang Iglesia Filipina Independiente (Aglipayan Church) ay nagdiwang naman ng ika-112 anibersaryo nitong Agosto 3. Itinatag ito noong 1902 ni labor leader Isabelo Delos Reyes Jr. Ang unang supreme bishop ng Aglipayan Church na ang motto ay “Pro Dei et Patria (Para sa Diyos at sa Bayan), ay ang makabayang paring katoliko na si Gregorio Aglipay.