Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na agapan ang anumang posibleng problema sa paningin ng kanilang mga anak, na maaaring magresulta sa pagkabulag.

Ayon sa DOH, dapat na sumailalim ang mga schoolchildren sa vision screening sa pagpasok sa mga paaralan upang matukoy ang anumang potensyal na problema ng mga ito sa kanilang mga mata.

Bilang bahagi naman ng August Sight Saving Month, pinangunahan ng DOH at ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes ang vision screening para sa mga mag-aaral sa Cecilio Apostol Elementary School sa Maynila, gamit ang bagong vision screening tool, na Lea Symbols Chart, para matukoy kung mayroon silang amblyopia o lazy eye.

Sa tulong ng naturang vision screening tools ay matutukoy ang mga problema sa mata tulad ng amblyopia at Errors of Refraction (EOR) sa mga school children.

Eleksyon

Pastor Apollo Quiboloy, nananawagan ng manual recount

Matapos ang screening ay inirekomendang matingnan ng mga volunteer optometrist para sa refraction o ophthalmologists ang mga batang natuklasang may diperensya sa mata at mayroon ding mga nabigyan ng libreng salamin sa mata.

Sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na layunin ng aktibidad na madagdagan ang public awareness hinggil sa importansya ng tamang pangangalaga sa mata at pag-iwas sa pagkabulag at iba pang karamdaman sa mata, partikular na sa mga bata.

Ipinagdiriwang ng DOH ang August Sight Saving Month para harapin ang hamon na mabawasan na ang mga avoidable blindness sa bansa.