Pinawi ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga espekulasyon na tatakbo siya sa pagkapangulo sa May 2016 elections tulad nang hinahangad ng kanyang ina na si dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

“Hindi ako gumigising sa umaga at iyon ang nasa isip ko. At hindi rin ako natutulog sa gabi at iyon pa rin ang nasa isip ko,” ayon kay Bongbong.

“Ang tanging iniisip ko ay kung ano ang dapat gawin ko ngayon. Masyadong marami ang dapat kung gawin,” giit ng senador.

Nang tanungin kung siniseryoso niya si Ginang Marcos sa pagpilit nitong siya ay tumakbo sa presidential race, sinabi ni Bongbong na itinuturing niya ang kanyang ina bilang pinakamagaling na pulitiko.

“My mother, always has a say in all political matters in the family. All. All. All. Kay Ilocos Governor Imee Marcos, sa akin, sa sarili niya, sa aking mga pinsan…she always has a say. We always go through it. She is the best politician that I know,” pahayag ni Bongbong.

National

CJ Hirro 'di nagtatago, nasa out-of-town lang—abogado

Aniya, naiintindihan niya ang sentimiyento ng kanyang ina dahil gusto nitong bumalik ang pamilya Marcos sa Malacanang.

“Nahahaluan ng motherly love; she is very biased in that regard. When it comes to actual straight political decision, lahat ng Romualdez, Marcos, sa kanya lumalapit at nagtatanong, what do you think?” paliwanag ng 56-anyos na mambabatas.

Subalit hindi niya sinasang-ayunan ang pangarap ng kanyang ina. Sa kabila nito, tiniyak ni Bongbong na patuloy niyang pagsisilbihan ang mga mamamayan kahit anong puwesto pa ang kanyang kinaluluklukan sa gobyerno. Hannah L. Torregoza