Ryan Bang at Alex Gonzaga

HINDI na pala good friends sina Alex Gonzaga at Ryan Bang dahil nagkapikunan.

Ngumiwi si Alex nang tanungin namin kung bakit hindi na sila magkaibigan gayong ang ganda ng simula nila.

Politics

13 senador, 'backer' na ni Tito Sotto sa pagiging Senate President—Lacson

“Ano, nakapag-usap na kami sa isa’t isa, pero siguro hindi na lang parang dati na, kasi napagsabihan na rin ako ng ate (Toni Gonzaga) ko. Ang dami ko na rin kasing narinig na sinabi niya behind my back na ‘yun ang mas ikina-hurt ko,” diretsong sabi ni Alex.

Nagulat kami dahil bihira sa lalaki ang masyadong madaldal lalo na kung tungkol sa babae, katunayan ang gumagawa lang nito ay masasabing ‘gays’ kaya ang diretsong tanong namin kay Alex, ano ba ang pagkakakilala niya kay Ryan Bang?

“(He’s) happy, ha-ha-ha! Happy, oh!” masayang sagot ng dalaga.

Hindi naman daw sila magkagalit.

“Na-explain na namin ang both sides at this time makikinig na lang ako sa ate ko na, ‘you really earn to have friendship, hindi basta-basta ang mga taong pinagkakatiwalaan mo’. Kahit nga ‘yung mga taong pinagkakatiwalaan mo ng ilang taon, puwedeng mag… (traydor) sa ‘yo, eh,” paliwanag ni Alex.

May mali rin naman daw si Alex, pero, “Siya rin naman may mga birong off sa akin. So pag-iisipin ng ibang tao, (nakakapikon) so, nawala sa isip ko rin kasi nga hindi ako nag-iisip, eh.

“Kung hindi kami magkakaintindihan, ayoko ng ipilit talagang maging friends kami, laging isa sa amin kailangang umunawa. So, since ako ‘yung mas nakakatanda, ako ang uunawa, ‘tapos may narinig ka pang hindi maganda. So parang tainted na talaga ‘yung pagkakaibigan namin.”

Samantala, may komento si Alex sa sinabi ng Ate Toni niya na kailangan pa niyang mag-effort magpaganda kasi hindi siya napasama sa 100 Most Beautiful ngayong taon.

“Eh, kasi ako ‘yung 101, eh, kinaltas,” pabirong sabi dalaga. “Tinanong ko sila, eh, sabi nga nila, ako ‘yung pang-101, so 101 Dalmatians ako.”

Sino ang kailangang tanggalin para mapasok siya sa 100 Most Beautiful?

“Walang tatanggalin, idadagdag ako, okay lang ‘yun, tutal last year kasali naman ako,” natatawa pa ring sagot ni Alex.

Samantala, masaya ang aktres dahil pang-apat sa puwesto ang Pure Love sa primetime ratings game at talagang aminadong effort silang lahat nu’ng una kasi nga hindi pa nila kapado ang viewers kung tanggap sila o hindi.

“Eh, ngayon, okay na, kaya salamat talaga sa mga sumusuporta ng Pure Love,” sabi ni Alex.