AIKO Melendez

WALA nang tutol si Aiko Melendez kung sakaling tuluyan na ring pasukinng panganay niyang si Andre ang showbiz. Sey ni Aikikay, mukhang hilig din ng anak niya ang pag-aartista. Ang kundisyon na ibinigay niya, basta't mag-concentrate muna ito sa pag-aaral.

In two years time siguro p' wede na, pero 'yung daughter ko hindi ako sigurado. Kasi sa school niya bawal. Poveda kasi siya pumapasok, so bawal talaga. So 1'm seeing my son joining showbiz in two years time," sabi ni Aiko.

Tinanong niya si Andre kung gusto nitong pasukin ang showbiz at sumagot naman daw agad na gusto nitong mag-artista at maging race car driver din na kagaya ng ama nitong si Jomari Yllana.

National

LPA sa labas ng PAR, ganap nang bagyo

Pangarap tuloy ngayon ni Aiko na makasama in her future movies si Andre bilang co-star niya. Ito ang isa sa dream project niya ngayon. Pero maghihintay pa siya nang matagaltagal dahil gusto niyang tutukan muna ng bagets ang pag-aaral.

Kung showbiz ang hilig ng kanyang panganay, iba naman si Martina, ang bunso niya. Nakikita raw ni Aiko na magiging pulitiko ang kanyang bunso na mahilig magkipag-usap sa iba't ibang tao at kung anu-ano ang mga itinatanong.

Samantala, ayaw nang palakihin pa ni Aiko ang binaggit niyang isang Kapamilya young actor na walang galang sa mga kapwa artista na senior sa kanya.

Binanggit niya sa amin ang name ng young actor sa pangakong hindi namin babanggitin ang name nito.

Naikuwento kasi ni Aiko na nakipagkilala siya sa sikat na young actor, pero tiningnan lang siya na tila inakala pang tagahanga siya nito.