Sinampahan na kaso ng Philippine National Police (PNP) ang apat na Abu Sayyaf commanders at 65 na katao sa sangkot sa pananambang na ikinasawi ng 23 katao sa Sulu.
Ayon kay PNP-PIO, Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, ginamit bilang ebidensiya ng PNP ang mga naging pahayag ng mga testigo sa pagsampa ng kasong multiple murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder.
Kinilala ni Sindac ang apat na Abu Sayyaf Commanders na sinampahan ng kaso na sina Idang Susukan, Tawing Umair, Sibih Pisih, at Ustadz Igasan.
Tinukoy ni Sulu Vice Gov. Abdusakur Tan na kabilang sa mga principal suspeks sa madugong pananambang ang isang opisyal ng barangay kasama ang kaniyang mga tauhan na.
Kabilang sa mga motibo na tinitignan ng PNP ay ang posibleng rido o away pamilya at ang posibleng paghihiganti ng Abu Sayyaf.
Sinabi ni Sindac na noong Lunes, sinampahan na ng kaso sa Sulu Prosecutor’s Office ang mga suspek.