Ibibigay na sa House Committee on Justice ang tatlong impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Aquino ng iba’t ibang grupo.

Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales II, chairman ng House Committee on Rules, nagampanan na ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang kanyang ministerial duty sa pagbibigay ng tatlong impeachment complaint labay kay Pangulong Aquino sa kanyang komite upang ito ay maisama na sa Order of Business sa plenary.

Aniya, ang House Committee on Justice na pinamumunuan ni Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. ang magsasamasama sa tatlong ouster complaint kung saan dalawa sa mga ito ay may kinalaman sa kontrobersiya sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ilang ulit nang minaliit ni Belmote ang mga impeachment complaint at naniniwala na hindi ito magtatagumpay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino ay inihain ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Youth Act Now dahil itinuturing ng mga ito na ang paggamit ng DAP ay labag sa Konstitusyon.

Ang ikatlong ouster complaint ay inihain ng mga miyembro ng civil society group noong Abril 28 dahil sa kasunduan ng gobyernong Aquino at Amerika sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). - Charissa M. Luci