VILMA Santos

SA pamamagitan ng kanyang chief of staff na si Ms. Candy Camua ay nagpahayag si Sen. Ralph Recto na may karapatan din daw namang tumakbo para bise presidente ng Pilipinas ang kanyang asawang si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa 2016 national elections.  

Ito ay bilang kasagutan sa intriga na hindi raw kuwalipikado ang Star for All Seasons sa naturang posisyon.

Ayon pa kay Sen. Recto, matagal nang public servant ang kanyang maybahay at malaking advantage ito para magampanan nang maayos kung sakali man ang nasabing posisyon.

National

LPA sa loob ng PAR naging bagyo na, pinangalanang ‘Nika’

Dagdag pa ni Sen. Recto, maganda at malinis ang record ni Ate Vi sa siyam na taong pagsisilbi bilang mayor ng Lipa City at hanggang sa huling termino niya ngayon bilang gobernadora ng probinsiya.

Sa kasaysayan ng Lipa at maging sa Batangas, si Ate Vi ang bukod tanging babae na naging mayor at gobernador.

“She is more than qualified. She has her head in the right place, and her heart in the right place,” banggit pa ni Senator Recto.

Napag-alaman din namin na hindi lang dalawa kundi tatlong partido ang nanliligaw kay Ate Vi para kumandidato for vice president. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring desisyon ang premyadong aktres/politician.

Bukod kay VP Jejomar Binay at sa posibleng maging manok ni Pres. Noynoy Aquino na si DILG Sec. Mar Roxas, may isa pang partido na naghahangad na maging running-mate ng kanilang standard bearer si Ate Vi.

Samantala, kung si Ate Vi ay wala pang desisyon, si Sen. Ralph Recto ay tiyak nang tatakbo uli para senador sa 2016.