VICTORIA Beckham

LONDON (Thomson Reuters Foundation) – Ipagbibili ng British fashion designer at dating pop star na si Victoria Beckham ang kanyang 600 pirasong damit, kabilang na ang ilang evening dresses, upang makalikom ng pera at kamalayan para sa mga inang may HIV sa sub-Saharan Africa.

Kabilang ang iconic, white Dolce and Gabbana dress na isinuot ni Victoria sa 2003 MTV Video Music Awards sa mga isususbasta bilang tulong sa mothers2mothers (m2m), isang charity na naglilingkod para mapigilan ang transmission ng HIV mula sa ina patungo sa kanilang mga sanggol sa siyam na bansa kabilang ang South Africa, Swaziland at Kenya.

Ang iba pang mga damit ay mula sa mga panahong kabilang si Victoria sa Spice Girls pop group, fashion shows, parties at red carpet appearances kasama ang asawang dating England soccer captain na si David Beckham.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang perang malilikom sa auction ng evening gowns, hats, shoes, bags, jewellery at costume pieces ni Victoria ay magiging “transformational” para sa organization na nagsasanay at nagbibigay ng trabaho sa mga inang may HIV upang turuan ang iba pang HIV-positive mothers sa kanilang komunidad, pahayag ng founder ng m2m na si Mitch Besser.

Ang kababaihan ay nakikipagtulungan sa mga doctor at nurses sa understaffed health centers bilang mga miyembro ng healthcare team.

“We’ve reached 1.2 million mothers since we started, but with more resources, we can reach more mothers. With more reach we prevent more infections and we keep more mothers alive to take care of their kids,” sabi ni Besser, obstetrician at gynaecologist by training.

“The funding is absolutely transformational for an organization like ours,” abniya sa Thomson Reuters Foundation.

Sa annual budget na $20 million, ang m2m ay tumatanggap ng hanggang two thirds ng kanyang pondio mula sa U.S. President’s Emergency Plan for AIDS Relief (PEPFAR) - isang programa para labanan ang AIDS na sinimulan ni dating U.S. President George W. Bush.

Ayon sa THE OUTNET.COM, ang online fashion outlet na magiging host ng private online sale mula Aug. 20-25, pinilini Victoria na ipagkaloob ang proceeds sa m2m matapos bumisita sa South Africa noong Pebrero at makilala ang ilan sa mga inang may HIV.

“After spending just a few days with these remarkable women and learning more about the charity from Mitch, and his lovely wife Annie Lennox, I wanted to do as much as I could,” ani Victoria sa isang pahayag.

“It really was a life-changing experience. I’ve never experienced anything like it.”

Ang Sub-Saharan Africa ay nananatili na rehiyon na pinakamatinding tinamaan ng HIV, sa 24.7 million HIV-positive na mamamayan noong 2013.

Kababaihan ang bumubuo sa 58 porsiyento ng nabubuhay na may HIV sa rehiyon, na tahanan din ng 85 porsiyento ng pregnant women na nabubuhay na may HIV, ayon sa UNAIDS.

Gayunman, malaki na ang nabawas sa bilang ng mga batang nahawaan ng HIV sa -- mula sa 580,000 noong 2001 ay naging 240,000 noong 2013.

Gayunman, ang stigma, under-funded at under-equipped healthcare systems at mga problema na maisama ang kalalakihan ay ilan sa mga sagabal sa pagwawakas ng epidemya sa Africa, ani Besser.