Target ng administrasyong Aquino na makumpleto sa Hunyo 2015 ang konstruksiyon ng 18 proyektong imprastruktura na nagkakahalaga ng $13.l7 billion o P602.2 bilyon.

Sinabi ni Public-Private Partnership (PPP) Center Executive Director Cosette Canilao na sisimulan na ang auction para sa New Centennial Water Supply Source na nagkakahalaga ng $417.33 million at Operation and Maintenance Contract para sa Light Rail Transit (LRT) Line 2 ngayong buwan.

Sa kanyang presentasyon sa Wallace Business Forum, sinabi ni Canilao na 14 mula sa 18 proyekto ay may kaugnayan sa sektor ng transportasyon.

Sa Setyembre 2014 ay sisimulan na ng PPC Center ang bidding para sa enhanced operation and maintenance ng New Bohol (Panglao) Airport na nagkakahalaga ng $51.78 million; operation and maintenance ng Laguindingan Airport, $324.44 million; konstruksiyon ng Davao Sasa Port, $388 million; operation and maintenance ng Puerto Princesa Airport, $114 million; operation and maintenance ng Davao Airport, $901.56 million; operation and maintenance ng Bacolod Airport, $450.22 million; operation and maintenance ng Iloilo Airport, $675.56 million; konstruksiyon ng Regional Prison Facilities, $895.33 million; at pagsasapribado ng Motor Vehicle Inspection System, $428.89 million.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Sa Nobyembre 2014, magsisimula rin ang auction sa Tanauan City Public Market Redevelopment Project, $8.89 million; North-South Commuter Railway, $6.03 billion; at LRT Line 1 Dasmariñas Extension.

Samantala, sisimulan din ang bidding sa Disyembre 2014 para sa konstruksiyon ng Mass Transit System Loop, San Fernando Airport at Batangas-Manila Natural Gas Pipeline. Aabot sa $3 billion ang halaga ng unang subway system project sa bansa, ayon pa sa PPP Center. - Kris Bayos