Sinisid ng mga swimmer ng Philippine Swimming League (PSL) ang 20 gintong medalya sa pagpapatuloy ng 2014 Singapore Invitational Swimming Championship sa Singapore Island Country Club (SICC).

Nagpasiklab si Delia Angela Cordero makaraang sumikwat ng tatlong ginto sa girls’ 18-over 100m backstroke, 100m butterfly at 50m freestyle habang nagsipagwagi naman sina Jesreel Francisco (girls’ 11-12 100m back at 50m free), Sean Terence Zamora (boys’ 13-14 100m back at 50m free), Angelica Medrano (girls’ 15-17 100m back at 50m free) at Christen Mercado (boys’ 18-over 100m back at 50m free) ng tig-dalawang ginto.

Winasak naman ni Francesca Joves ang rekord sa girls’ 13-14 100-meter backstroke. Nagsumite si Joves ng 1:12.19 para tabunan ang 1:12.44 na dating marka ni Chua Yi Ying May ng Singapore noong 2012.

Kumubra din ng ginto sina Kyla Soguilon (girls’ 9-10 50m free), Michael Lozada (boys’ 7-8 100m back), Ma. Angela Paula Villamil (girls’ 13-14 50m free) at Emmanuel Solina (boys’ 7-8 50m free) gayundin ang 200m free relay team nina Soguilon, Sophia Villamil, Jaz Villanueva at Marie Borres (girls’ 9-10); Francisco, Trisha Lei Bongco, Felice Alexis Reyes at Sidley Malumay (girls’ 11-12); at Paula Angela, Joves, Bela Magtibay at Georr Briones (girls’ 13-14).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukod sa ginto, nakakuha rin ang Pilipinas ng 13 silvers at 8 bronzes. Ang silver medalists ay sina Soguilon, Joves, Angela Paula, Marc Bryan Dula, Daryl Concepcion, Lans Donato, Patrick Tierie, Alic Dela Cruz, Jasmine Mojdeh (2), Denjylie Cordero (2) at ang boys’ 9-10 200m free relay team ninaJohn Gabriel Bucad, Wilse Azarcon, Paul Ramirez at Justin Palomo habang ang tanso ay buhat kina Magtibay, Dela Cruz, Solina, Gianna Data, Celine Delotavo, Dennice Cordero (2) at ang boys’ 11-12 200m free relay squad nina Regil Dan Billones, JC Bandejas, Jordan Lobos at Jesse Anulao.

Sa kabuuan, mayroon nang 45 ginto, 37 pilak at 24 tanso ang Pilipinas.

Inaasahang hahakot pa ang Pilipinas ng ginto sa huling araw ng kompetisyon.