NEW YORK (Reuters) – Napapansin na ng mundo ang paggamit ng drugmakers sa tabako bilang mabilis at murang paraan sa paggawa ng mga bagong biotechnology treatments dahil sa papel nito sa isang experimental Ebola therapy.

Ang treatment, nasubukan pa lamang sa mga hayop sa laboratory bago inilapat sa dalawang American medical workers sa Liberia, ay binubuo ng mga protina na tinatawag na monoclonal antibodies na kumakapit at pinaparalisa ang Ebola virus.

Sa loob ng ilang dekada ang biotech companies ay nakapagprodyus ng mga antibodies na ito sa pagpaparami ng genetically engineered mouse cells sa malaking metal bioreactors. Ngunit sa kaso ng bagong lunas sa Ebola na ZMapp, dinebelop ng Mapp Pharmaceuticals, ang antibodies ay kinuha sa mga halamang tabako sa Kentucky Bioprocessing, isang unit ng tobacco giant na Reynolds American.

Ang tobacco-plant-produced monoclonals ay tinawag na “plantibodies.”

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

“Tobacco makes for a good vehicle to express the antibodies because it is inexpensive and it can produce a lot,” sabi ni Erica Ollmann Saphire, professor sa The Scripps Research Institute at prominent researcher sa viral hemorrhagic fever diseases gaya ng Ebola. “It is grown in a greenhouse and you can manufacture kilograms of the materials. It is much less expensive than cell culture.”

Sa standard method ng genetic engineering, ipinapasok ang DNA sa bacteria, at ang microbes ay nagpoprodyus ng isang protina na maaaring gamitin para labanan ang sakit.

Ang isa pang paraan ay tinatawag na molecular “pharming” na gumagamit ng halaman imbes na bacteria. Sa kaso ng Ebola treatment, gumamit ang Mapp ng karaniwang halamang tabako, ang Nicotiana benthanmianas.

Magkahawig ang proseso. Ipinapasok ang gene sa virus na pagkatapos ay ginamit para hawaan ang halamang tabako. Ang virus ay nagsisilbing micro-Trojan Horse, na itinatakbo ang engineered DNA papasok sa halaman.

Ang cells na nahawaan ng virus at ang gene na dala nito ang nagpoprodyus ng target protein. Kasunod nito ay aanihin ang mga dahon ng tabako at ipoproseo upang makuha ang protina, at ma-purify.

Ang ZMapp protein ay isang monoclonal antibody, na kahawig ng karaniwang disease-fighting antibodies ngunit mayroong highly specific affinity sa particular cells, kabilang na ang mga virus gaya ng Ebola. Kumakapit ito sa virus cells at pinapatay ang mga ito.

Iniulat ng CNN report na sa loob lamang ng kalahating oras ay bumuti ang kalagayan ni Dr. Kent Brantly, ang Samaritan Purse aid worker na bumalik sa United States nang mahawaan ng Ebola sa Liberia matapos mabigyan ng ZMapp gayundin ang kasamahang si Nancy Writebol ng SIM USA.

Ang Mapp, isang maliit na California-based biotech company, ay bahagi ng isang consortium ng 15 research outfits na noong Marso ay nanalo ng five-year grant mula sa National Institutes of Health na nagkakahalaga ng hanggang $28 million para maghanap ng lunas para sa Ebola.