Naglaan ang gobyerno ng Pilipinas ng P10.3 bilyon para mag-angkat ng kalahating milyong toneladang bigas sa pamamagitan ng tender na nakatakda sa huling bahagi ng buwan, ayon sa bid invitation na inilathala nitong weekend.

Ni-reset ng National Food Authority (NFA) ang tender date sa Agosto 27 mula sa Agosto 12 dahil sa kakapusan ng oras, sinabi ni NFA Spokesman Rex Estoperez sa Reuters.

Sa layuning madagdagdagan ang manipis na imbak kasunod ng mga bagyo kamakailan at pagtaas sa presyo ng bigas sa mga lokal na pamilihan, nagpasya ang gobyerno na mag-angkat ng karagdagang bigas sa second half ng taon, na posibleng umabot sa isang milyong tonelada. - Reuters

National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte