Dennis Cornejo, an overseas Filipino worker, hugs her daughter model Deniece Cornejo, while deniece grandfather Rod cornejo watch them outside the DILG detention cell in Camp Crame QC Monday night. The father of Deniece Cornejo visited her Tuesday night at the Criminal Investigation and Detection Group office in Camp Crame, where she is detained for serious illegal detention with serious physical injury charges filed by showbiz personality Vhon Navarro. She is expected to be transferred to the Bureau of Jail Management and Penology at Camp Bagong Diwa in Biuctan, Taguig City after the court hearing the case against her denied her  petitions to be detained where they are. Photo by: Linus Guardian Escandor II

Punung-puno ng emosyon sina Deniece Cornejo at ama nitong si Dennis nang magkita ang dalawa sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Quezon City noong Martes ng gabi.

Samantala, inilipat na rin ang kapwa akusado ni Deniece na sina Cedric Lee at Simeon Raz Jr sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City mula sa kanilang piitan sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Manila kahapon base sa kautusan ng korte.

Magkayakap ang dalawa dakong 7:30 ng gabi noong Martes nang dumeretso ang ama nito sa piitan matapos magtrabaho ng isang taon sa labas ng bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kasamang bumisita kay Deniece sina Lola Florencia at Lolo Rod.

Isang taon na wala ang ama ni Deniece ay sinadya nitong puntahan ang anak bago ilipat ng kulungan sa city jail.

Bagamat hindi nakauwi ang ama sa kainitan ng isyu ng pambubugbog umano sa aktor na si Vhong Navarro, sinabi ni Rod na binantayan umano ni Dennis ang kasong illegal detention at grave coercion na kinahaharap ng anak, kung saan kapwa akusado sina Cedric Lee at Simeon Raz Jr.

Matatandaang binasura rin ng Department of Justice (DoJ) at Taguig Prosecutor’s Office ang dalawang magkahiwalay na rape case na isinampa ni Deniece laban kay Vhong.

Dagdag ni Rod, masakit sa ama nito na wala siya sa bansa para sa asawa’t mga anak niya nang pinagdadaanan nila ang pagdurusa.