Ilabas na sa mga baul at pitaka ang mga luma, lukut-lukot at may sulat na pera dahil puwede nang papalitan ng bago ang mga ito sa anumang bangko.

Ito ang inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) matapos kumalat ang mga ulat na hindi na tinatanggap ang mga papel de bangko.

Ayon kay Annaliza Q. Catan, information officer ng BSP-Dagupan City sa Pangasinan, may BSP circular na nagsasabing ang mga lumang pera—papel o barya—ay hindi na dapat ikalat at sa halip ay papalitan o ideposito sa bangko.

Aniya, bawal nang ikalat sa merkado ang mga perang a) lukot-lukot at malapit nang mapunit, b) marumi at may mga sulat, at c) parang basahan o hindi na maituwid kapag hinawakan sa gitna. - Wilfredo Berganio

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026