Lumobo na ang ang katawan ng isang 73-anyos na mangingisda nang maiahon mula sa pagkalunod sa karagatang sakop ng Cavite City.

Dakong 2:45 p.m. nang matagpuan ang bangkay ni Rolando Digdigan, biyudo, ng Plaridel St., Barangay 57, San Roque, Cavite City.

Ayon kay PO3 Jonathan Baclas, nangisda ang matanda noong kasagsagan ng bagyong Jose at mula noon ay hindi na nakita.

Makalipas ang dalawang araw ay nakita ang bangkay na lumulutang.
Metro

Red Cross, inihanda command post, emergency field hospital para sa Traslacion 2026