Ilalarga ng Senate minority bloc ang sarili nitong kontra-SONA (State of the Nation Address) sa susunod na linggo, ayon kay Senator Joseph Victor “JV” Ejercito.

Subalit hindi pa rin nadedesisyunan ng grupo kung sino sa apat nilang natitirang miyembro—sina Ejercito, Senators Vicente Sotto III, Nancy Binay at Gregorio “Gringo” Honasan II—ang maghahayag ng “kontra-SONA” speech.

Ito ay sa kabila ng ihayag ni Sotto noong nakaraang linggo na wala siyang nakikitang mali sa mga inihayag ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa kanyang SONA sa pagbubukas ng regular na sesyon ng 16th Congress noong Hulyo 28.

Sinabi ni Ejercito na kinonsulta niya si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile sa kanyang piitan sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa balak ng minorya na maghayag ng sarili nitong SONA at agad naman itong sinuportahan ng huli.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Iginiit ni Enrile kay Ejercito na halos apat na taon nang walang “kontra SONA” dahil sa popularidad ni Pangulong Benigno S. Aquino III simula nang maupo ito sa Malacañang noong 2010.

Noong Lunes, nagpadala ng liham si Enrile kay Senate President Franklin Drilon upang ipaalam na si Sotto, na kasalukuyang Senate deputy minority leader, ang tatayong lider ng minorya sa Senado habang si Honasan ang pansamantalang deputy minority leader.

Imbes na “pala-away,” sinabi ni Ejercito na magiging “responsible and constructive” ang minorya sa dalawang nalalabing taon ng administrasyong Aquino. - Mario B. Casayuran