Tiyak na dadagsa sa pinakamalaking rotonda sa bansa ang mga mahihiligin sa pagtakbo na ang layunin ay makatulong sa mga batang lansangan na may sakit at media colleague na dina-dialysis sa Agosto 24.

Ito ang inihayag ng ilang miyembro ng media advocates, kaisa ang punong-abala na si Nympha Miano, sa 2-in-1 footrace na binansagang “Takbo sa Tag-ulan”, na may temang “ Tayo na, Takbo Tayo, Tumulong at Mag-ehersisyo habang umuulan,” na tatampukan ng 5KM at 10KM distance sa paligid ng Quezon Memorial Circle sa Elliptical Road, Lungsod Quezon.

Tatanggap ng event medals ang unang 50 kalahok na tatawid sa meta kung saan ang magkakampeon sa dalawang ruta ay pagkakalooban ng P3,000, P2,000 sa ikalawa at P1,000 sa ikatlo. Ang event ay itinataguyod ng Best Herbal Oil, Yamaha, Goldilocks at MyPhone.

Ang grupo na binubuo ng sampung mananakbong at magpapatala sa kategoryang 5KM (P550) at 10KM (P600) ay may libreng isa at kasamang singlet. Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan sa 0930-2550776 / 0932-3971285 o mag-email sa [email protected].
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente