Ihahain ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman kasama ang iba pang tanggapan ang mga reklamo laban sa negosyanteng si Davidson Bangayan, alyas “David Tan,” at dating National Food Administration (NFA) chief Angelito Banayo.

Sa imbestigasyon ng NBI, lumitaw na ginamit ng grupo ni Bangayan bilang dummy ang ilang organisasyon at kooperatiba ng mga magsasaka para makakuha ng alokasyon sa NFA rice import.

Kasama sa ihahaing kaso ng NBI ay ang paglabag sa Government Procurement Reform Act at Article 186 ng Revised Penal Code laban kina Bangayan, Judilyne Lim, Elizabeth Faustino, Eleanor Rodriguez at Leah Echeveria.

Sila umano ay nagsabwatan para mamanipula ang bidding process sa pag-a-award ng rice import allocation mula sa NFA, dahilan para sila ang makakuha ng supply ng imported rice sa lokal na pamilihan at makontrol ang presyuhan ng bigas sa merkado.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kakasuhan naman ng NBI ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina Dating NFA administrator Angelito Banayo, Special Bids and Awards Committee Chairman Atty. Jose Cordero at mga miyembro ng komite na sina Celia Tan, Atty. Gilbert Lauengco, Carlito Go at Atty. Judy Carol Dansal dahil sa pagkakaloon ng rice import allocation sa ilang mga bidder kahit wala silang financial capability.

Lumabas din sa pagsisiyasat ng NBI na si Davidson Bangayan at David Tan ay iisang tao lamang batay na rin sa mga nakalap nilang ebidensya.