Sylvia at Arjo

“IT’S a dream come true talaga,” sabi ni Sylvia Sanchez nang makatsikahan namin sa pamamagitan ng tawag sa telepono kahapon tungkol sa pagsasama nila ng anak niyang si Arjo Atayde sa seryeng Pure Love.

Gumaganap siya bilang baliw na ina ni Raymund (Arjo), siya ang dahilan kung bakit gusto nitong yumaman para maipagamot siya sa espesyalista.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kuwento ni Ibyang, nagulat siya nang ialok sa kanya ang naturang papel sa Pure Love dalawang linggo na ang nakararaan na hindi naman niya gaanong pinansin kasi bisi-bisihan din siya sa tapings ng Be Careful With My Heart at shooting ng The Trial.

Anim na araw ang nakararaan nang kumpirmahin sa kanya na may taping na siya sa Pure Love.

“Last Thursday lang na-confirm at last Monday lang ako nag-taping ‘tapos eere na (kagabi). Ang bilis nga, eh, ‘kala ko hindi pa (eere). Baliw ang papel ko, hindi ko pa alam kung bakit ako nabaliw, wala pa sa script,” kuwento ni Ibyang.

Biniro namin si Sylvia na bagay pala sa kanya ang papel na baliw, base na rin sa teaser ng Pure Love.

“Ha-ha-ha-ha, bakit lahat kayo, ‘yan ang sinasabi, baliw ako?” tumatawang sabi ng aktres.

Parehong mahusay umarte si Ibyang at si Arjo, kaya ang tanong ay nakakasabay ba ang anak sa ina o ang ina ang nakasabay sa anak?

“Ha-ha-ha, okay lang kung lamunin ako ni Arjo, proud ako kasi anak ko ‘yan, walang kaso sa akin. Pero alam mo, Reggs, natutuwa akong naiiyak kasi, di ba, pangarap ko talagang magsama kaming mag-ina sa isang project? ‘Yung drama, kasi gusto ko makita ang anak ko na nagda-drama sa harap ko. Ang sarap siguro ng pakiramdam.

“Noon ko pa ‘yan sinasabi, hindi ko alam na matutupad ito sa Pure Love, akala ko nga sa MMK (Maalala Mo Kaya) mangyayari, eh, kasi, di ba, usually doon naman ‘yung mga palabas na heavy drama? Nakakatuwa talaga,” masayang tinig ng aktres sa kabilang linya.

Tsika naman ng mga taga-production, nakakaiyak daw ang eksenang dinalaw ni Raymund (Arjo) ang inang baliw sa pagamutan at hindi siya nakilala.

Sobrang naiyak daw ang aktor nang tanungin siya ng ina ng ‘sino ka?’ at sabay yakap sa inang wala sa sariling bait.

Maging ang assistant director ng Pure Love ay mugto raw ang mga mata pagkatapos ng take, pati na ang kalalakihang nanood sa set.

Masaya naman si Ibyang sa magagandang papuri sa kanilang mag-ina dahil matagal daw niyang hinintay ito.

Cameo role lang ba siya sa Pure Love?

“Hindi, hanggang ending ako,” sagot niya.

Bongga, dalawa ang show ni Ibyang at may isang pelikulang ginagawa.

“Oo nga, eh, may pang-umaga at may panggabi,” sabi sa amin.

Hmmm, ano naman kaya ang pakiramdam ni Arjo na nakaeksena niya ang nanay niya?

(Editor’s note: May kaugnay na item po si Reggee dito.)