FREETOWN/MONROVIA (Reuters/ AFP)— Daan-daang tropa ang itinalaga ng Sierra Leone at Liberia noong Lunes para i-quarantine ang mga komunidad na tinamaan ng nakamamatay na Ebola virus, sa pag-kyat ng bilang ng mga namatay sa pinakamalalang outbreak sa 887 at tatlong bagong kasong naiulat sa Nigeria.

Sa pagkaubos ng pondo ng healthcare systems sa mga bansa sa West Africa dahil sa epidemya, sinabi ng African Development Bank at ng World Bank na kaagad silang maglalabas ng $260 milyon sa tatlong bansang pinakamatinding naapektuhan - ang Sierra Leone, Liberia at Guinea.

Iniulat ng World Health Organization, nagbabala noong nakaraang linggo ng catastrophic consequences kapag hindi nakontrol ang sakit, ng 61 bagong pagkamatay sa loob ng dalawang araw simula noong Agosto 1 sa patuloy na pagkalat ng sakit.

Nagsimula ang outbreak noong Pebrero sa kagubatan ng Guinea. Patuloy na umaakyat ang bilang ng sakit doon, ngunit lumipat na ang sentro nito sa katabing Liberia at Sierra Leone.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ang panic sa mga lokal na komunidad, na inatake ang health workers at nagbantang susunugin ang mga isolation ward, ang nagtulak sa Sierra Leone, Liberia at Guinea na ianunsiyo ang mahihigpit na hakbang noong nakaraang linggo, kabilang na ang pagpapasara sa mga paaralan at quarantine ng remote forest region na pinakamatinding tinamaan ng sakit.

Mahahabang convoy ng military trucks ang naghatid sa mga tropa at medical workers noong Lunes sa dulong silangan ng Sierra Leone, kung saan pinakamarami ang nahawaan ng Ebola.

Sinabi ni military spokesman Colonel Michael Samoura na ang operasyon, codename Octopus, ay kinasasangkutan ng 750 military personnel.

Sa katabing Liberia, naglatag ang pulisya ng mga checkpoint at roadblocks sa mga pangunahing entrance at exit points sa infected communities, na walang pinahihintulutang makaalis. Ipinadala ang mga tropa sa pinakamatinding tinamaan na mga lugar para maghanda sa pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang.

“The situation will probably get worse before it gets better,” sabi ni Liberian Information Minister Lewis Brown sa Reuters.

Higit na nakababahala ang mga ulat na pinababayaan o inaabandona ang bangkay ng mga biktima na iniiwanang mabulok sa mga kalye o kabahayan, ayon sa mga nagpoprotestang mamamayan.

Nagbabala ang Liberian government laban sa paghawak sa bangkay o sa sinumang may sintomas ng Ebola na kinabibilangan ng lagnat, pagsusuka, at pananakit ng kalamnan, at sa final stages, ay matinding pagdurugo.