KATHRYN Bernardo at Daniel Padilla

MAHIGIT P250-million na ang kinikita ng She's Dating A Gangster na pinagbibidahan ng numero unong love team ngayon na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

To think na ipinalabas ang pelikula habang nagkakasunud-sunod ang bagyo, walang duda na malakas talaga sa takilya ang pelikula. Tantiya ng source namin sa Star Cinema, magiging isa sa pinakamalakas na pelikula ng taon ang pelikula nilang ito.

Dagdag pa niya, dinaig na ng pelikula nina Daniel at Kathryn ang ilang huling pelikula na gawa pa rin ng Star Cinema.

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

Kaya may karapatan na rin daw sina Daniel at Kathryn na maging contenders para sa Box Office King and Queen ng Philippine movies.

"Dapat lang naman kasi naka-more than 250 million na ang pelikula nila, samantalang 'yung iba eh, hindi yata nakaabot ng 150 million. Kaya nga, ngayon pa lang, eh, may plano agad ang Star Cinema na gumawa ng bagong movie para sa dalawa," sey pa ng source namin.