Hindi dumalo si Chief Justice Ma. Lourdes P. A. Sereno o kinatawan nito a pagdinig ng Kamara de Representantes sa umano’y maanomalyang paggamit ng P1.77 billion Judiciary Development Fund (JDF).

Sa isang liham, inabisuhan ni Sereno si House Speaker Feliciano R. Belmote Jr. na bigyan siya ng “courtesy of time” na makonsulta ang kanyang mga kabaro sa Korte Suprema kung paano makikibahagi ang hudikatura sa balidong usapin sa lehislatura sa Kamara bagamat hindi isinasakripisyo ang independence at fiscal autonomy ng Kataastaasang Hukuman.

“However, my view of the manner, timing and context in which a Committee of the House is proposing to inquire into the Judiciary Development Fund

(JDF) as indicated in its letter, is that they leave much to be desired, and at this point, do not seem to be fully cognizant of the kind of healthy relationship that should exist between, on the one hand, the House of Representatives, and on the other, the Supreme Court.”

Sa pagpunta niya sa UAE; PBBM, pinagkatiwala bansa kina Remulla, Estrella, Bersamin

Nakatanggap si Sereno ng imbitasyon mula kay Rep. Neil C. Tupas Jr., chairman ng House Committee on Justice, noong Agosto 4 upang siya o kanyang kinatawan ay dumalo sa inisyal na deliberasyon ng dalawang panukala sa Kamara. - Rey G. Panaligan