NARITO ang huling bahagi ng ating paksa tungkol sa mga bagay na maaaring makasakit sa mga paslit. Nawa ay nakapulutan natin ito ng aral.

  • Magnet na nakadikit sa refrigerator. – Naglabasan na ngayon sa mga pamilihan ang iba’t ibang hugis at kaakit-akit na memo holder na mga magnet na idinidikit sa ref. Ang ilan doon ay may anyo ng candy, binalatang hipon, kapirasong gulay, cake, ice cream, chewing gum at kung anu-ano pa na madaling pagkamalan ng bata na pagkain. Maaaring malulon ng mga bata ang mga ito. Maaari itong bumara sa kanilang lalamunan at mahirapang huminga. Nakamamatay ang ano mang nagbabara sa lalamunan ng bata.
  • Shopping cart. – Maaari ring masaktan ang paslit sa shopping cart na ginagamit ng mga supermarket. Nakatutuwa nang tingnan ang isang paslit na nakasakay sa shopping cart ngunit mas malaki ang pinsala sa bata kung hindi ito babantayang mabuti. Ang shopping cart ay hindi dinisenyo upang sakyan ng bata. Maaari ngang kaya nito ang mabibigat na items sa supermarket ngunit hindi ang malikot na bata. Maaaring mabuwal ang shopping cart sa kaunting galaw lamang ng paslit at malamang na ang ulo nito ang unang mapipinsala kapag bumagsak sa marmol sa sahig. Tandaan: ang shopping cart ay hindi transportasyon ng bata. Ito ay dinisenyo na para lamang sa mga binili sa supermarket.
  • National

    Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

  • Appliances. - Huwag silang palapitin sa mainit na plantsa, naka-on na washing machine, electric blender, electric fan, nakasalang na takure, kaldero. Lagyan din ng masking tape ang mga outlet na hindi ginagamit. Huwag silang hayaang paglaruan ang mga kurdon ng appliances. Huwag din silang palaruin na malapit sa TV na maaaring tumumba sa kanila dahil sa kalikutan. Huwag ding hayaan silang magbukas ng refrigerator at baka akyatin nila ang mga layer niyon at malamang na tumaob ito sa kanila.

Gawin nating ligtas ang ating pamamahay na maaaring galawan ng ating mga paslit na anak. Maaari mo ring ipasa ito sa iyong mga kaibigan na may mga paslit.